Showing posts with label Ogie Alcasid. Show all posts
Showing posts with label Ogie Alcasid. Show all posts

Tuesday, January 31, 2012

Regine, Ogie meet David Archuleta

Asia's Songbird Regine Velasquez met “American Idol Season 7” runner-up David Archuleta on Sunday.

In her official Twitter account, Velasquez said she and her husband, singer Ogie Alcasid, went to the studio where Archuleta was recording.

Velasquez said they chanced upon Archuleta singing the OPM song “Nandito Ako,” which was originally sang by Alcasid.

"Went to see david he was recording nandito ako wow what a beautiful voice and a wonderful guy,” she said.

Archuleta, on the other hand, said it was great meeting the two Filipino singers.

Archuleta is in the country for a television series in another network.

Meanwhile, Velasquez said she is already returning to work after giving birth to her first child.

“Back to work ako medyo hirap iiwan ko si Nate hay:-(sorry anak work lang si mom,” she said.

Velasquez and Alcasid are set to hold a Valentine concert this February.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/31/12/regine-ogie-meet-david-archuleta
Posted on 7:09 PM / 0 comments / Read More

Solenn Heussaff is Ogie Alcasid's leading lady in Boy Pick Up movie

Masaya si Solenn Heussaff na siya ang gaganap na leading lady ni Ogie Alcasid sa pelikulang Boy Pick Up ng GMA Films.

Ang naturang pelikula ay spin-off ng pinasikat na karakter ni Ogie sa gag show na Bubble Gang.

Ayon kay Solenn, confident siya na magagawa niyang maging kuwela ang role niya sa pelikula.

"'Yong baluktot na pagta-Tagalog ko, funny na!" natatawang sabi ng French-Filipino actress-singer.

"So, okey lang 'yon. Advantage na bulol ang dila ko.

"Mag-start kami ng shooting itong February na kasi April yata ang playdate."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa lobby ng bagong building ng GMA Network, pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo.

SAM PINTO. Marami ang nag-akala na si Sam Pinto ang makakapareha ni Ogie sa pelikula dahil ang sexy star ang gumaganap na "Neneng Bakit" sa segment ng Bubble Gang.

Sa show na ito hango ang karakter ni Ogie na Boy Pick Up.

"Oo nga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"But I love you, Sam, I didn't take your place!" natawang pagpapaabot ng mensahe ni Solenn kay Sam.

"Pero happy ako for this film with Ogie.

"And nasa movie na ito rin naman siguro si Sam, at may magandang twist kung bakit ako 'yong girl ni Ogie sa story.

"Okey naman kami ni Sam. Magkaibigan naman kami."

Alam na kaya ni Sam na si Solenn ang gaganap na leading lady ni Ogie sa pelikula?

"Hindi ko lang alam. I'll ask her kapag nagkita kami," sagot ni Solenn.

Hindi kaya pagmulan ito ng intriga sa pagitan nilang dalawa?

"Uhm... baka. They can make it if they want.

"Pero kami ni Sam, dedma lang. Hindi kami magpapaapketo," natawa ulit na sabi niya.

Paano kung paratangan siyang "sulotera" ng role?

"Anong sulotera? A, 'yong parang nang-aagaw?

"Hindi, a!" sabay tawa na naman ni Solenn.

VALENTINE WITHOUT HER BF. Tila magiging malungkot ang nalalapit na Valentine's day para skay Solenn dahil nasa Argentina pa rin ang boyfriend niya.

"Yes."

Paano siya magse-celebrate ng Araw ng mga Puso?

"Uhm, I'll go out with my friends.

"Or baka maghanap ako ng ibang lalake! Joke lang!

"I'm just joking lang!" natatawang sabi ng Kapuso star.

Kung sabagay, marami naman yatang guys ang umaaligid pa rin sa kanya kahit may boyfriend na siya?

"Wala naman.

"Masyadong shy 'yong mga lalake dito sa Pinas, e!" tawa na naman ni Solenn.

Hindi naman daw siya gaanong nalulungkot na magkalayo sila pansamantala ng boyfriend niya.

Aniya, "Sobra ako into yoga ngayon.

"So, sa yoga studio ko, may couples acrobat yoga. So, kailangan mag-doubles.

"So, nagyu-yoga na lang ako with Mond [Raymond Gutierrez] or something."

Hindi rin naman daw magtatagal sa Argentina ang boyfriend niya.

"May trabaho lang siyang tatapusin doon. This February, balik na siya sa Pilipinas."

LEGACY. Excited naman na si Solenn sa nakatakdang pagpasok niya bilang karagdagan sa cast ng Legacy, ang pinakabagong primetime series ng GMA 7.

"Fourth or fifth week yata ako lalabas.

"Ang role ko, commercial model. Endorser ng soap.

"Ako at si Sam [Pinto] na naman!"

Ang tinutukoy ni Solenn ay ang magiging professional rivalry nila ni Sam sa istorya dahil magkaibang brand ng soap ang ie-endorse nila.

Kuwento pa ni Solenn tungkol sa kanyang role, "'Tapos dati kong kaibigan si Lovi [Poe]. 'Tapos nasira 'yong friendship dahil sa selos-selos.

"At 'yong ex boyfriend ko sa story, si Sid [Lucero]. So, baka may away-away diyan.

"Itong week na ito pa lang ako magti-taping. So, nagri-ready na ako for that.

"I'm excited na talaga."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246335/showbiz/solenn-heussaff-is-ogie-alcasid-s-leading-lady-in-boy-pick-up-movie
Posted on 5:44 AM / 0 comments / Read More

Sunday, January 22, 2012

Son of Regine, Ogie gets baptised

Celebrity couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid are a picture of proud parents as their first born son got baptised on Sunday.

In an interview with “The Buzz,” Alcasid revealed that it was their decision to have baby Nate christened in a Catholic and a Christian church.

Alcasid said baby Nate has 10 sets of god parents in his Catholic baptism while he has three sets of god parents in the Christian offering.

According to Velasquez, they chose their closest friends from show business including actor Dingdong Dantes and actress Kris Aquino to be baby Nate’s second parents.

Meanwhile, the couple also answered questions whether they will allow their son to have commercials.

“We’re still deciding kung gusto naming tanggapin kasi ang liit pa niya eh. Hindi pa kami nagde-decide. Napag-usapan na namin pero hindi pa kami nagde-decide,” the Asia’s Songbird said.

Velasquez gave birth to baby Nate last November 8.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/22/12/son-regine-ogie-gets-baptised
Posted on 8:54 AM / 0 comments / Read More

Friday, December 23, 2011

‘Boy Pick-Up’ vs ‘Panday’ sa Bubble Gang

Naging trending topic sa Twitter nitong Biyernes ng gabi ang longest-running gag show on Philippine television na Bubble Gang kung saan nakipagtagisan ng pick-up lines si “Panday" ni Sen Ramon “Bong" Revilla Jr. laban sa kampeon na si “Boy Pick-up" ni Ogie Alcasid.

Sa unang round ng naturang segment ng Bubble Gang tungkol sa pick-up lines, nakasagupa at tinalo ni "Panday" si “Dahon" na karakter ni Antonio Aquitania.

Kabilang sa hirit ni Sen Bong o “Panday" kay Neneng B (Sam Pinto) ay:

Panday: “Rabies ka ba?
Neneng B: “Bakit?"
Panday: “Kasi nauulol ako sa’yo"




Dahil sa pagkapanalo ni Panday kay Dahon, si Panday ang nakaharap ni Boy Pick-up sa second round.

Pero kahit may kalakasan ang sigaw ng mga miron para kay Panday, nanatili pa ring kampeon si Boy Pick-up.

Aliw na aliw naman ang mga nakapanood sa naturang episode at ipinaalam nila ito sa pamamagitan ng post ng kanilang message sa Twitter. Narito ang ilan sa napakaraming mensahe kaya nag-trending ang Bubble Gang:


@cuteako11cj :"@ogiealcasid booom!!! ganda ng laban ni panday at boy pick-up noud kayo #bubblegang

@marcusdco: “IMBA MO! #Boypickup #bubblegang is trending. hoooo! lakas!

@chillabichill: “Thumbs up, boy pick-up! =))) #bubblegang

@dhessalicious: pinasaya ng #BubbleGang ang gabi ko:]

@ydney_sotrue Ngayon ko na lang uli napanood #BubbleGang sobrang nakaktawa padin xD the best si Boy pickup :) Boom!

@joshuadeocampo :Hanep ka BOY PICK-UP!!!! #bubblegang

@zhaiGM : “the best ka boy pick up. laughtrip tlga. ;)) #bubblegang @ogiealcasid

@ivchoc: natalo na ba si Boy Pick up?? nanalo ba si panday? #BubbleGang

@Storybrooker: #BubbleGang is trending! :) I love tonight's episode! So funny! :D

@Lyrem_08: “astig #BubbleGang, Boy Pick-Up galling.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/242587/showbiz/chikaminute/boy-pick-up-vs-panday-sa-bubble-gang
Posted on 11:23 PM / 0 comments / Read More

Tuesday, December 13, 2011

Ogie Alcasid aka 'Boy Pick-Up,' handang makasagupa si Sen Miriam sa pick-up lines?

Interesado nga ba si Ogie Alcasid na makasagupa ng kanyang sikat na karakter sa Bubble Gang na si Boy Pick-Up ang pambato ng Senado sa pick-up lines na si Sen Miriam Defensor Santiago?

Sa mga speaking engagement ni Sen Santiago lalo na tungkol sa Reproductive Health Bill, naging tatak na ng mambabatas ang pagbitiw ng mga patok na pick-up lines bago niya talakayin ang seryosong usapin.

Ginagawa raw ito ng senadora para makuha muna ang atensyon ng mga tao lalo na ang mga kabataan upang makinig sa kanyang mga sasabihin.

Isa sa mga pumatok na pick-up lines ni Sen Miriam ay ang: “Masasabi mo bang bobo ako kung ilan lang ang laman ng utak ko?"

Sa panayam kamakailan ng showbiz reporter na si Nelson Canlas kay Ogie, inalam niya kung handa bang sagupain ni “Boy Pick-Up" ang palabang senadora.

“Wala tayong laban dun," natatawang tugon ni Ogie sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Lunes.

Pero inamin ni Ogie na inimbitahan nila si Sen Miriam para makaharap nito si Boy Pick-Up sa Bubble Gang.

“Iniimbitahan namin siya sa Bubble Gang actually, sana makasali siya. Kung hindi man, sana sa movie," patungkol ni Ogie sa nilulutong "Boy Pick-Up The Movie."

Hindi na nga maawat ang pagsikat ng bagong karakter ni Ogie. Katunayan, may "Boy Pick-Up" shirt na sa clothing company ng yumaong si Francis Magalona.

Inihahanda na rin daw ang soundtrack ni Boy Pick-Up na pawang hip-hop music ang maririnig, ayon kay Ogie.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241536/showbiz/chikaminute/ogie-alcasid-aka-boy-pick-up-handang-makasagupa-si-sen-miriam-sa-pick-up-lines
Posted on 10:10 AM / 0 comments / Read More

Sunday, December 11, 2011

Ogie Alcasid says he has no plans to run for public office

Isa sa mga naging judge si Ogie Alcasid ng VSR (Voices, Songs, & Rhythms) grand finals nuong Disyembre 7.

Isa itong singing contest na binuo ni Batangas Governor Vilma Santos noong Mayor siya ng Lipa City, na ngayon ay isa na sa mga highlights ng taunang Ala Eh Festival na ginaganap tuwing foundation day ng lalawigan.

Habang nasa holding area si Ogie kasama ang iba pang celebrities sa munisipyo ng Calaca na siyang host town ng nabanggit na event for this year, nagkaroon ng chance ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan siya.

Tungkol sa kapapanganak pa lang na baby nila ni Regine Velasquez ang unang naging paksa ng usapan.

"Gano'n pa rin...puyatan pa rin lagi siyempre," natatawang kuwento ni Ogie. "Dahil...halos four times gumigising 'yong bata kapag madaling araw.

"E since nagtatrabaho ako, sasabihin ni misis [Regine]...sige matulog ka muna.

"Oo. Full-time mom si Regine.

"May nurse lang kami ngayon kasi caesarian si Regine, e. Pero siyempre, habambuhay na naming gagampanan 'yong pagiging hands-on sa bata.

"Nag-one month na 'yong baby namin nitong December 8. Nakakatawa 'yong iyak niya.

"Malambing kasi 'yong iyak niya. Hindi 'yong iyak na nakakainis, e."

Iyak din ba ng isang future singer?

"Oo, e. Dahil 'yong dulo mataas, e. Mataas 'yong pitch."

Totoo bang pila na ang mga nag-aalok ng possible endorsements para sa baby nila ni Regine?

"E...meron. Pero hindi pa namin kinakausap dahil mas mahalaga munang...siyempre hindi pa nababakunahan nang todo. One month pa lang, e."

CHRISTENING. Kailan ang binyag?

"A...hindi pa namin alam. Siguro January o February.

"Mga magiging ninong at ninang? Wala pa kaming nakakausap, e."

Ano naman 'yong mga nakikita niyang medyo nahihirapan si Regine bilang nanay ng baby nila?

"Uhm...siyempre first time Mom siya 'no? Hindi naman kami teenagers. So...medyo may adjustment nang konti.

"Pero siya, full-time siyang mag-breast feed. So malaking bagay iyon na breast feeding siya all the way.
"Ang laki na ng ipinayat niya.

"Tapos nagyu-yoga siya ngayon.

"So...medyo hirap din. Kasi alam mo naman kapag baby pa, iku-consume ka ng baby, 'no? Kapag nanay ka."

How will they spend Christmas?

"Sa bahay lang kami.

"Although December 22 is our anniversary. So...dito lang kami sa Batangas for a few days. Taga-Taal ako."

First time magse-celebrate ng Christmas si Ogie at Regine with their newborn son. Ano ang mga paghahandang ginagawa nila kaugnay ng palapit na holiday season?

"A...maraming reunion with our relatives. And 'yong bahay namin siyempre, iba na ang motif.

"Hindi tulad noon na Pasko lang. Ngayon may Teddy bears.

"Siyempre may baby na, e. So...you have to cater to...kung ano na ang pamilya mo.

"Ang kulang na lang, e...kailangan naming gawing baby-friendly na 'yong bahay. Kasi medyo...maraming hagdanan 'yong bahay, e."

POST-CHRISTMAS IN AUSTRALIA. Kumusta naman 'yong magiging Pasko niya para sa mga anak niya sa ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren?

"A... sa Australia ? Same. Same.

"I will be there January. I'll be leaving Januray 2. First week of January nasa Australia na ako."

Excited na ba ang mga anak niya kay Michelle na makita ang kanilang baby brother na anak naman nila ni Regine?

"Siyempre. Siyempre.

"Pero next year pa siguro sila magkikita. I think we'll see each other in another country next year. Magkikita-kita kami.

"Kasi 45 na ako next year. Wish ko naman na magkita-kita kami. 'Yong kami na family lang. With my kids.

"Siyempre brother nila 'yon, e. So I'd like them to be able to bond, you know. And, ah...siyempre gusto ko ring lumaki 'yong bunso ko na may kinikilala siyang Ate. Di ba?"

Ogie looks younger than his real age of 45.
Natawa ulit si Ogie bago nakapagbigay ng reaksiyon.

"Siyempre si Regine is a big part of that, 'no? But it's also...I think because, a... siguro 'yong outlook ko rin sa buhay.

"Masayahin ako. Wala akong dinadalang...alam mo, 'yong nakakatulog ka ng mahimbing?

"Blessing iyon, e. Kasi maraming tao na...itutulog mo lang, hirap ka. Kasi ang dami mong iniisip.

"I think in my case and in my family's case, iyon lagi ang ipinagdadasal ko. Na...laging maayos ang katayuan ng buhay nila.

"Kasi very basic iyon. Hindi bale 'yong kung anumang problemang dumating sa buhay nila, e...kumabaga nakakayanan nila. Iyon ang laging dasal ko.

"And I think God has always been answering our prayers. And he will answer your prayers too, for sure."

CHRISTMAS WISHES. Ano ang wish niya ngayong Pasko?

"Sa akin? Sa sarili? Ako, ano...good health sa parents ko, at sa mga magulang ni Regine.

"At siyempre sa mga mahal ko sa buhay, sa mga anak ko, 'yong family ko. Na...patuloy kaming maging maligaya. Tahimik.

"Iba iyon, e. Walang kapalit 'yon.

"It's really....Ang sarap ng feeling na...kasama mo 'yong pamilya mo.

"At...alam mo 'yon? Sa Pasko, e...magkakasama lang kayo. Walang kapalit iyon."

Si Regine kaya, may wish list din ngayong Christmas?

"Hindi ko alam, e.

"Alam mo si Regine kasi...gising, tulog, gising, tulog.

"Baby talaga ang inaatupag.

"So it's...mahirap. Minsan nakakapag-text lang 'yan. Ngayon nagtu-Twitter na lang siya. Iyon na lang ang libangan niya.

"And sabi ko, 'Honey, medyo for the first few months, ganyan talaga.'

"So, inaalalayan ko naman. In as much as I can, 'no?"

SONG FOR HIS SON. No'ng nag-guest siya sa Startalk bago nanganak si Regine, kinanta niya ang isang parte ng komposisyon para sa baby nila ni Regine. Natapos na ba niya ito?

"Nabuo ko na. Actually kinanta ko na sa Party Pilipinas. Ang title niya, "Aking Anak."

"No'ng nanganak si Regine, a week after, kinanta ko na iyon."

What's the best line in the song?

"Ah... 'yong chorus."

At pagkatapos ay inawit nga niya ang chorus...

"Aking anak, aking anak, habang buhay kitang aalagaan. Ika'y bigay ng Maykapal..."

May bagong song din ba siyang naiisip na i-compose for Regine na ngayon ay ina na nga ng bunsong anak niya? O di kaya ay para sa nalalapit na anniversary nila?

"Baka naubusan na ako!" sabay tawa niya.

Ogie believes there's a "musical chain in his son." His daughters are also musically inclined.

"Like 'yong panganay ko, ang hilig...magpabili ng gitara. So medyo tini-train ko siya roon.

"'Yong pangalawa kong anak ang ganda rin ng boses. Hindi malayo na 'yong bunso [anak nila ni Regine], gano'n din.

"Alam mo sa pamilya namin, music plays a very big role. Sa lahat ng okasyon e, talaga iyon na ang nagbubuklod sa amin.

"My mom sings. And my dad sings also. But he is more of an instrumentalist."

STICKING TO SHOWBIZ. Muling natawa si Ogie nang matanong kung totoo bang may plano siyang tumakbo bilang mayor ng Taal, Batangas?

"A... hindi. Wala po akong hilig diyan."

Hindi talaga siya magkakainteres pumasok sa politika?

"Eto 'yong totoo...mas gusto kong mag-artista!" sabay tawa ni Ogie.

Maraming artista ang napapag-sabay ang showbiz at politics, di ba?

"Hindi po, e. Buti kung...sa akin, ha...marami na rin akong ginagawa.

"Singer ako. Artista pa ako. And then may mga advocacies pa ako.

"Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko.

"May pamilya pa ako. Kaya hindi ko alam kung saan ko isisiksik ang oras ko.

"So ano lang ako...suporta lang ako...dyan kay Ate Vi.

"Actually, very active ako rito sa Batangas. Kasi, 'yong hometown ko, 'yong Taal tinutulungan ko na dumami 'yong... sa tourism.

"Ngayon dumarami na. Nauuso ngayon 'yong nagli-lease sila ng mga bahay sa Taal pagkatapos e, puwedeng mag-bed and breakfast.

"Tapos kung napapansin ninyo, ang dami nang nagsu-shooting doon.

"Kagaya no'ng kay Ate Guy [Sa Ngalan Ng Ina mini series ng TV 5]. Madalas na ang mga nagsu-shooting doon.

"Nakakatuwa kasi it's a very quiet town. E, siyempre town namin iyon, so we're very very proud of Taal."

Sa pamilya nila 'yong Rural Bank of Taal, di ba?

"Sa nanay ko," medyo natawa ulit na sagot ni Ogie.

And since they own a bank nga in Taal, sinasabing isa sila sa pinakamayamang pamilya sa nabanggit na bayan.

"Hindi naman!" tuluyang napahalakhak ang actor-singer and song writer.

"Ano po kasi iyan, 'yong bangko po namin, a...ang nagpundar po noon, 'yong lola ko. And ipinagpatuloy lang ng mommy ko.

"So...it's a small bank...we cater to the farmers. We cater to the...sa mga tagaroon lang.

"Minsan umuutang din ako!" pabiro niyang sabi.

"Maliit lang siya na rural bank."

"Mommy ko ang taga-Taal. Sa Calamba, Laguna talaga ang mga Alcasid. But my father grew up in Lemery which is the next town.

"'Yong Taal at Lemery, ang pagitan niya ay isang tulay lang, e.

"Do'n sila nagligawan.
"Kasi pareho sila ng pangalan, e. 'Yong tatay ko ang pangalan niya... Herminio.

"Ang pangalan naman ng nanay ko...Herminia.

"So...Herminio Jr. ako.

"Bihira akong umuwi sa Taal. Kapag fiesta lang o kapag naimbita.

"Kasi kami [ni Regine] naman, sa Nasugbu kami. Dahil doon kami ikinasal. May konti kaming lugar doon."

Mga ilang buwan pa kaya bago maging active ulit si Regine sa kanyang career?

"Meron kaming concert. Sa February 14 [next year] sa Araneta Coliseum. Ang title...Mr. & Mrs. A. So...abangan ninyo iyon."

Pagkatapos ng concert, ano ang ibang plano ni Regine sa kanyang career?

"Hindi ko alam, e. Wala pa siyang sinasabi sa akin, e.

"Pero 'yong concert namin ang una niyang gagawin."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241319/showbiz/ogie-alcasid-says-he-has-no-plans-to-run-for-public-office
Posted on 7:15 AM / 0 comments / Read More
 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates