Showing posts with label Bong Revilla. Show all posts
Showing posts with label Bong Revilla. Show all posts

Friday, December 23, 2011

‘Boy Pick-Up’ vs ‘Panday’ sa Bubble Gang

Naging trending topic sa Twitter nitong Biyernes ng gabi ang longest-running gag show on Philippine television na Bubble Gang kung saan nakipagtagisan ng pick-up lines si “Panday" ni Sen Ramon “Bong" Revilla Jr. laban sa kampeon na si “Boy Pick-up" ni Ogie Alcasid.

Sa unang round ng naturang segment ng Bubble Gang tungkol sa pick-up lines, nakasagupa at tinalo ni "Panday" si “Dahon" na karakter ni Antonio Aquitania.

Kabilang sa hirit ni Sen Bong o “Panday" kay Neneng B (Sam Pinto) ay:

Panday: “Rabies ka ba?
Neneng B: “Bakit?"
Panday: “Kasi nauulol ako sa’yo"




Dahil sa pagkapanalo ni Panday kay Dahon, si Panday ang nakaharap ni Boy Pick-up sa second round.

Pero kahit may kalakasan ang sigaw ng mga miron para kay Panday, nanatili pa ring kampeon si Boy Pick-up.

Aliw na aliw naman ang mga nakapanood sa naturang episode at ipinaalam nila ito sa pamamagitan ng post ng kanilang message sa Twitter. Narito ang ilan sa napakaraming mensahe kaya nag-trending ang Bubble Gang:


@cuteako11cj :"@ogiealcasid booom!!! ganda ng laban ni panday at boy pick-up noud kayo #bubblegang

@marcusdco: “IMBA MO! #Boypickup #bubblegang is trending. hoooo! lakas!

@chillabichill: “Thumbs up, boy pick-up! =))) #bubblegang

@dhessalicious: pinasaya ng #BubbleGang ang gabi ko:]

@ydney_sotrue Ngayon ko na lang uli napanood #BubbleGang sobrang nakaktawa padin xD the best si Boy pickup :) Boom!

@joshuadeocampo :Hanep ka BOY PICK-UP!!!! #bubblegang

@zhaiGM : “the best ka boy pick up. laughtrip tlga. ;)) #bubblegang @ogiealcasid

@ivchoc: natalo na ba si Boy Pick up?? nanalo ba si panday? #BubbleGang

@Storybrooker: #BubbleGang is trending! :) I love tonight's episode! So funny! :D

@Lyrem_08: “astig #BubbleGang, Boy Pick-Up galling.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/242587/showbiz/chikaminute/boy-pick-up-vs-panday-sa-bubble-gang
Posted on 11:23 PM / 0 comments / Read More

Sen Bong Revilla, nag-LRT ‘tour’ para i-promote ang Panday 2

Mistulang nag-tour sa LRT si Sen Ramon “Bong" Revilla Jr, kasama ang ilang cast ng film fest movie na Panday 2 upang i-promote ang naturang pelikula.

Sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago, sinabi nito na unang sumakay ang grupo ni Sen Bong sa Roosevelt/Munoz Station ng LRT.

Kasama ng senador sa kanyang paglalakbay sina Philip Salvador, Benjie Paras at Alden Richard, na pawang kasali sa Panday 2. Ito ang entry GMA Films at Imus Production sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood simula sa Disyembre 25.

Pagsapit sa Blumentritt station sa Maynila, bumaba ang grupo ni Sen Bong na ikinagulat ng napakaraming tao. Doon ay namigay sila ng mga t-shirt at nag-imbita na panoorin ang mas pinalaking Panday 2.

“Hindi na ‘ko makapagbigay ng mahabang mensahe, short lang, bati lang ako ng maligayang Pasko. Kasi ayoko ring mag-cause ng trapik, talagang whistle stop lang," paliwanag ng senador sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Pagkatapos makapag-imbita sa Blumentritt station, muling sumakay ng LRT ang grupo ni Sen Bong at muli silang bumaba sa Carriedo Station kung saan dinumog din sila ng mga tao.

Masaya si Philip sa ginawa nilang pag-iikot dahil tinatawag siya ng mga tao sa kanyang karakter sa Panday na si Lizardo.

Inimbitahan din ni Sen Bong ang mga tao na manood ang Parade Of The Stars sa Sabado kung saan makikita ang iba pang artista na kasali rin sa MMFF.

Nasa cast din ng Panday 2 sina Marian Rivera, Iza Calzado, Kris Bernal, Eddie Garcia at Lorna Tolentino.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/242582/showbiz/chikaminute/sen-bong-revilla-nag-lrt-tour-para-i-promote-ang-panday-2
Posted on 11:20 PM / 0 comments / Read More

Sen Bong Revilla, boto kay Kris Bernal; Ramon Sr., mabuti na raw ang kalusugan

Sa gitna ng trahedya kaugnay sa pagpatay kay Ramgen Revilla, ang kalusugan ng 84-anyos na si dating Sen Ramon Revilla Sr., ang inaalala rin ng pamilya.

Nang paslangin si Ramgen noong Oktubre sa bahay nito sa Paranaque, labis itong dinamdam ng kanyang ama na si Ramon Sr., na isinugod sa ospital nang panahong iyon.

Nadagdagan pa ang hinagpis ng dating senador nang lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na sangkot ang iba pa niyang anak (kapatid ni Ramgen kay Gng Genelyn Magsaysay) sa naturang krimen.

Ngunit itinatanggi ni Gng Genylyn at kanyang mga anak ang naturang alegasyon.

Sa panayam ng Startalk TX nitong Sabado, ipinaalam ni Sen Ramon “Bong" Revilla Jr., na mabuti na ang kalusugan ng kanyang ama.

“My dad is okey naman. Actually kausap ko siya yesterday, very good," kwento ng bida ng film fest movie na Panday 2.

Hangad daw ng nakababatang Revilla na maging masaya ang Pasko ng kanyang ama at kanyang angkan sa kabila ng kinakaharap na pagsubok.

“Marami talagang pagsubok na dumarating sa atin. Pero hindi naman tayo bibigyan ng Panginoon ng pagsubok na hindi natin malalampasan," pahayag ni Sen Bong.

“Kailangan maging masaya ang Pasko natin, dapat maging masaya tayong lahat. Yung lungkot iiwan na natin ‘yan, yung mga hindi magagandang nangyari kalimutan na natin ‘yan, lalo na’t papasok ang bagong taon, masaya tayong lahat," dagdag niya.

Nang tanungin ang senador kung ano ang inaasahan niyang katapusan ng kaso ng kapatid niya sa ama na si Ramgen, sagot ni Sen Bong: “I don’t know. Ipaubaya na natin sa Panginoon … sana happy ang ending at mawala na sana."

Boto kay Kris Bernal

Samantala, kasama sa star studded Panday 2 ang Kapuso star na si Kris Bernal.

Hindi itinatago ng anak ni Sen Bong na si Jolo Revilla na may matindi itong paghanga kay Kris.

Kaya naman inusisa ni Lolit Solis, isa sa mga host ng Startalk kung ano ang masasabi ng senador tungkol sa pagkakaugnay ng dalawa.

“Bagay naman sila, why not?," nakangiting tugon ng acto-politician.

Kasama rin sa Panday 2 sina Marian Rivera, Iza Calzado, Philip Salvador, Rhian Ramos, Lorna Tolentino, Eddie Garcia, Benjie Paras at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.

Unang movie ito ni Ms Lucy na misis ni Richard Gomez, habang dapat abangan daw ng mga manonood ang kakaibang role ni Lorna kung saan gumanap itong bruha sa unang pagkakataon, ayon kay Sen Bong.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241998/showbiz/chikaminute/sen-bong-revilla-boto-kay-kris-bernal-ramon-sr-mabuti-na-raw-ang-kalusugan
Posted on 11:10 PM / 0 comments / Read More

Friday, December 9, 2011

Vic Sotto says he is not competing with Bong Revilla

Vic Sotto's film "Enteng ng Ina Mo" is pitted against Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.'s "Panday 2" in this year's Metro Manila Film Festival (MMFF), but the Prince of Comedy insists there is no competition with Revilla.

"Hindi kami magkalaban. Magkasabay lang ang mga pelikula namin," Sotto said in an interview after the press conference for "Enteng ng Ina Mo."

Sotto agreed with Revilla's previous statement that "Enteng" and "Panday" are not competing against each other, since they are both only after the success of the Filipino film industry.

"Ang gusto lang namin ni Senator Bong ay yung maging matagumpay ang MMFF at malampasan niya ang gross last year sa kabuuan. Ito ay para sa ating lahat. Hindi tayo magkakalaban dito, lahat tayo ay magkakampi," he said.

What is important for Sotto is that the MMFF films will be successful and recoup their investments.

"Sa akin personally walang number one or number 2. Ang importante ay kumita ang nakakarami at maibalik ang puhunan na naibigay. Kasi di lang pero ang puhunan diyan pati pawis at dugo pinaghihirapan lahat ng taga-industriya. As a whole magsama-sama tayo," Sotto said.

Revilla and Sotto worked together in "Si Agimat at si Enteng Kabisote", an entry at last year's MMFF.

In "Enteng ng Ina Mo," Sotto worked with Queen of Comedy Ai Ai delas Alas.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/12/09/11/vic-sotto-says-he-not-competing-bong-revilla
Posted on 10:58 AM / 0 comments / Read More

Friday, December 2, 2011

Bong Revilla says no rivalry with Vic Sotto

Senator-actor Ramon "Bong" Revilla Jr. sees nothing wrong if his film "Panday 2" competes against Vic Sotto's "Enteng ng Ina Mo" at this year's Metro Manila Film Festival (MMFF).

In an interview, Revilla stressed there's only friendly competition between him and Sotto.

"Sa amin friendly competition ito," said Revilla, adding that what is important now is that they will be able to help the film industry.

"Ang importante ay mabuhay natin ang industriya ng pelikulang Pilipino. Nakikita naman natin na bumabalik na ulit ang sigla ng local films. Sana po ay tuloy tuloy ang suporta niyo para gumawa pa tayo ng magandang pelikula," he said.

Revilla and Sotto worked together for 2010 MMFF entry "Si Agimat at si Enteng Kabisote."

He also hoped that this year's MMFF would earn more compared to last year's earnings.

"Dapat panoorin natin ang lahat ng entries sa Metro Manila Film Festival," Revilla added.

Revilla said he dedicates "Panday 2" to the late King of Action Fernando Poe Jr., who was the original Flavio or Panday.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/12/02/11/bong-revilla-says-no-rivalry-vic-sotto
Posted on 9:25 AM / 0 comments / Read More
 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates