Sa gitna ng trahedya kaugnay sa pagpatay kay Ramgen Revilla, ang kalusugan ng 84-anyos na si dating Sen Ramon Revilla Sr., ang inaalala rin ng pamilya.
Nang paslangin si Ramgen noong Oktubre sa bahay nito sa Paranaque, labis itong dinamdam ng kanyang ama na si Ramon Sr., na isinugod sa ospital nang panahong iyon.
Nadagdagan pa ang hinagpis ng dating senador nang lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na sangkot ang iba pa niyang anak (kapatid ni Ramgen kay Gng Genelyn Magsaysay) sa naturang krimen.
Ngunit itinatanggi ni Gng Genylyn at kanyang mga anak ang naturang alegasyon.
Sa panayam ng Startalk TX nitong Sabado, ipinaalam ni Sen Ramon “Bong" Revilla Jr., na mabuti na ang kalusugan ng kanyang ama.
“My dad is okey naman. Actually kausap ko siya yesterday, very good," kwento ng bida ng film fest movie na Panday 2.
Hangad daw ng nakababatang Revilla na maging masaya ang Pasko ng kanyang ama at kanyang angkan sa kabila ng kinakaharap na pagsubok.
“Marami talagang pagsubok na dumarating sa atin. Pero hindi naman tayo bibigyan ng Panginoon ng pagsubok na hindi natin malalampasan," pahayag ni Sen Bong.
“Kailangan maging masaya ang Pasko natin, dapat maging masaya tayong lahat. Yung lungkot iiwan na natin ‘yan, yung mga hindi magagandang nangyari kalimutan na natin ‘yan, lalo na’t papasok ang bagong taon, masaya tayong lahat," dagdag niya.
Nang tanungin ang senador kung ano ang inaasahan niyang katapusan ng kaso ng kapatid niya sa ama na si Ramgen, sagot ni Sen Bong: “I don’t know. Ipaubaya na natin sa Panginoon … sana happy ang ending at mawala na sana."
Boto kay Kris Bernal
Samantala, kasama sa star studded Panday 2 ang Kapuso star na si Kris Bernal.
Hindi itinatago ng anak ni Sen Bong na si Jolo Revilla na may matindi itong paghanga kay Kris.
Kaya naman inusisa ni Lolit Solis, isa sa mga host ng Startalk kung ano ang masasabi ng senador tungkol sa pagkakaugnay ng dalawa.
“Bagay naman sila, why not?," nakangiting tugon ng acto-politician.
Kasama rin sa Panday 2 sina Marian Rivera, Iza Calzado, Philip Salvador, Rhian Ramos, Lorna Tolentino, Eddie Garcia, Benjie Paras at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.
Unang movie ito ni Ms Lucy na misis ni Richard Gomez, habang dapat abangan daw ng mga manonood ang kakaibang role ni Lorna kung saan gumanap itong bruha sa unang pagkakataon, ayon kay Sen Bong.
Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241998/showbiz/chikaminute/sen-bong-revilla-boto-kay-kris-bernal-ramon-sr-mabuti-na-raw-ang-kalusugan
0 comments:
Post a Comment