Sunday, December 11, 2011

Eugene Domingo, nagpahayag ng malasakit kay Piolo Pascual

Inihayag ni Eugene Domingo na patuloy ang komunikasyon nila ng kaibigan niyang si Piolo Pascual. Gayunman, hindi raw nila pinag-uusapan ang isyung kinakaharap ng aktor.

Sinabi ng batikang aktres na ang nangyaring kontrobersiya na idinulot ng paghihiwalay nina Piolo at KC Concepcion ay bahagi lamang umano ng pagiging sikat nila, ayon sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago.

Ayon kay Eugene na tinaguriang “festival queen," nagte-text daw sila ni Piolo pero hindi nila pinag-uusapan ang nangyaring hiwalayan.

“Pero siyempre aware ka ‘pag ang kaibigan mong artista ay parang piniprito at magkakilala naman kayo at alam mong kontakin, hindi naman siguro masama na makipag-communicate ka and to tell him na may malasakit ka," paliwanag ni Eugene sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Idinagdag niya, handa siyang makinig kay Piolo kung nais nitong magkwento pero hindi raw niya ito uusisain bilang respeto sa kaibigan na naging producer niya sa kanyang pelikula.

Samantala, nakapagdesisyon na si Eugene na sa float ng movie na Shake, Rattle and Roll 13 siya sasakay sa araw ng parada ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bukod sa SRR 13, kasama rin si Eugene sa film fest movie na My Househusband... Ikaw Na at Enteng Ng Ina Mo.

“Naisip ko kasi mas kailangan ako sa float ng Shake, Rattle and Roll kasi matitibay at talagang subok na subok na at sikat na sikat na ang mga nasa Enteng with Ai-ai (Delas Alas) and Vic Sotto. At doon naman sa Househusband… Ikaw Na si Judy Ann (Santos) at saka si Ryan (Agoncillo)," paliwanag niya.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241310/showbiz/chikaminute/eugene-domingo-nagpahayag-ng-malasakit-kay-piolo-pascual

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates