Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts
Showing posts with label Boy Abunda. Show all posts

Saturday, February 4, 2012

Annulment, ‘di raw ipagdiriwang ni Kris Aquino, ayon kay Boy Abunda

Bukod sa napawalang-bisa na ang kasal nila ni James Yap, mananatili rin kay Kris Aquino ang konstudiya ng kanilang anak na si Bimby o Baby James.

Sa GMA News TV’s Balitanghali nitong Sabado, iniulat na kasama sa desisyon ng Makati RTC sa pag-apruba ng annulment, ang pagkakaloob ng karapatan kay James na mabisita ang kanyang anak.

Sa hiwalay na ulat ng Chika Minute ng 24 Oras nitong Biyernes ng gabi, sinabing may karapatan si Bimby na mamili kung kanino niya gustong sumama kapag nasa tamang edad na ito.

Ayon kay Atty Lino Kapunan, abogado ni James Yap, walang itinakda ang korte sa schedule ng pagbisita ng kanyang kliyente sa anak dahil maaari naman daw itong pag-usapan mismo ng dating mag-asawa.

Aminado si Kapunan na naging mabilis ang pagproseso sa annulment case na inihain ni Kris noong 2010. Pinapaniwalaan ng abogado na ang maayos na pag-uusap sa paghahati ng mga ari-arian ang dahilan kaya mabilis na nakapagpasya ang korte.

Bagaman noong pang Enero 9, 2012 lumabas ang desisyon sa pagpapawalang bisa sa limang taong kasal nina Kris at James, nito lamang Biyernes nagtapos ang prescription period para maghain ng apela ang alinman sa magkabilang partido.

At dahil wala nang naghain ng apela sa naging desisyon ng korte, pormal na itong magiging epektibo.

Nitong Biyernes ay lumipad si Kris patungong Hong Kong para magbakasyon kasama ang dalawang anak na sina Bimby at Joshua.

Tulad ng dati, hindi gumamit ng VIP lane ang mag-iina at pumila kagaya ng karaniwang pasahero.

Sinabi naman ng TV host na si Boy Abunda na okey lang ang kanyang kaibigan na si Kris matapos mapagtibay ang annulment nito kay James.

Sakabila nito, hindi naman daw nagdiriwang si Kris na nagtungo sa Hong Kong.

“She’s okey… yun lang ang sinabi ni Kris na ‘pag na-a-annul ang mag-asawa parang its not actually an event in a couples life that cause for celebration," ayon kay Abunda.

Ang kawalan ng katungkulan ng nagkasal kina Kris at James ang sinabing ginamit na batayan ng korte para pawalang bisa ang kasal ng dalawa.

Matatandaan na inabot muna ng ilang buwan bago inamin sa publiko nina Kris at James na kasal na sila. Magdiriwang ng kanyang ika-41 taong kaarawan si Kris sa Pebrero 14, na 11-taon ang tanda niya kay James.

Bago ang paghahain ni Kris ng annulment case, ilang ulit na naging laman ng balita ang dating mag-asawa bunga ng mga babae na nauugnay kay James.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246844/showbiz/chikaminute/annulment-di-raw-ipagdiriwang-ni-kris-aquino-ayon-kay-boy-abunda
Posted on 8:37 AM / 0 comments / Read More

Friday, January 27, 2012

Abunda visits Sendong victims in CDO

King of Talk Boy Abunda took time out of his busy schedule to visit the victims of tropical storm Sendong in Cagayan de Oro.

Abunda shared his visit at the temporary relocation center called Tent City in Canitoan town on "Bandila."

He said he also helped the Plan Philippines, a non-government organization in distributing relief goods and hygiene kits to the evacuees.

"Paunti-unti man umuusad din ang pagbangon ng mga komunidad dito at nakakangiti ulit ang mga bata sa mga simpleng biyaya," Abunda reported.

Until now, more than 50 families are still living in Tent City even without electricy.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/27/12/abunda-visits-sendong-victims-cdo
Posted on 12:10 AM / 0 comments / Read More

Sunday, December 11, 2011

Boy Abunda dedicates Asian TV Award to Pinoys

Boy Abunda turned emotional on Sunday when he talked about the latest victory of his show, "The Bottomline," in the recently concluded Asian TV Awards.

Speaking on ABS-CBN's "The Buzz," where he is one of the hosts, Abunda said he never thought that "The Bottomline" would win the Best Talk Show for 2011 award.

The show bested top Asian programs including "Talk Asia" of CNN Hong Kong and "The Euthanasia Debate" of New Delhi Television in India.

“Wala. Binibiro nga namin, because just before 'Bottomline' won, siguro mga five awards, lahat CNN ang nananalo. And then there was a band that performed. Sabi namin, kahit sino ang nanalo at natalo tayo, i-boo natin, ha. Biro lamang ho,” he said.

Asked how he reacted when his show was hailed the winner, Abunda said: "Hindi ko alam. I didn't know what happened. Sabi nila, I just ran to the stage and I don't know what happened next."

Abunda dedicated the award to all Filipinos, particularly those who are working hard to achieve their dreams.

"Sa lahat po ng mga batang nanonood ngayon, uulit-ulitin ko po ito. Dreams come true. Whoever you are and if you have a dream, hold on to that dream and work hard. You're gonna make it," he said.

“With humility, I dedicate this trophy to everyone in this country who has a dream. Para po ito sa inyo. This trophy is for the Philippines,” he added.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/12/11/11/boy-abunda-dedicates-asian-tv-award-pinoys
Posted on 7:03 AM / 0 comments / Read More
 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates