Tila nawala na nga raw ang pagkakakilala noon kay Kuya Dick—tawag din kay Roderick—bilang isang komedyante.
Lumabas ito sa comedy films tulad ng Kumander Gringa, Ako Si Kiko... Ako Si Kikay, Leroy... Leroy Sinta, Binibining Tsuperman, Jack En Poy, Petrang Kabayo at marami pang iba.
Napapanood na siya ng maraming kabataan ngayon bilang si Manny, ang mabait na titser na umampon sa munting heredera na si Jennifer, played by Mona Louise Rey.
"Yung pagiging komedyante ko, sa TV na lang nila napapanood. At paulit-ulit iyon, ha!" tawa pa ni Kuya Dick nang makausap namin siya sa charity event ng Munting Heredera cast sa The Child Haus noong January 15.
"Mostly yata sa Cinema One 'pinalalabas ang mga ginawa kong comedies sa Regal Films at Seiko Films," banggit niya.
"Sa totoo lang, natatawa pa rin sila. To think, hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa ko noon.
"Mabentang-mabenta pa rin sa kahit sinong makapanood.
"But I am glad na yung image natin bilang komedyante ay napalitan na rin.
"Before, talagang hindi ako makagawa ng serious films kasi nga pang-comedy lang daw ako.
"Hanggang sa napatunayan ko na may pagkakataon pa na makakagawa ako ng straight drama. At nangyari nga 'yan sa Munting Heredera."
THANKS, DIREK! Malaki ang pasasalamat ni Kuya Dick sa director nilang si Maryo J. delos Reyes, dahil noon pa man ay bilib na si Direk sa ipinapamalas niyang pag-arte.
"Kaya pinag-eksperimentuhan nga niya ako!" tawa ni Kuya Dick.
"Si Direk Maryo, tatay ko na 'yan, e.
"Siya ang unang nagbigay sa akin ng acting nomination sa pelikulang ginawa ko na High School Circa '65.
"Na-nominate ako as best supporting actor sa Gawad Urian in 1980.
"Then matagal din kaming hindi nagkatrabaho. Nagsama na lang kami ulit sa series na Rosalinda sa GMA-7.
"And eventually, heto at nadirek niya ako ulit sa Munting Heredera.
"Sabi nga ni Direk Maryo na hindi ako magpapatawa rito, kundi ilalabas ko ang pagiging dramatic actor ko. Papaiyakin namin ang televiewers.
"E, matagal din akong hindi nag-drama.
"The last two movies I did ay parehong comedy. Yung Ded Na Si Lolo at OMG! Oh My Girl.
"The last serious movie I did naman was Pa-Siyam noong 2004 pa.
"Kaya feeling ko pahirapan ito. But I trust Direk Maryo kaya naman nabuo namin ang character ni Manny sa show."
HAPPY SET! Magtatapos na ang Munting Heredera sa unang linggo ng February. Kaya isa si Kuya Dick sa nalulungkot dahil maganda ang naging samahan nila sa naturang show.
"Sa lahat nga ng mga shows na nasamahan ko, ito ang sobrang solid sa samahan.
"We always look forward na mag-taping kasi magkikita-kita kami ulit.
"Kahit na nga packed-up na ang iba sa amin, ayaw pa ring umalis kasi nakikipagkuwentuhan pa sa iba.
"Kahit yung mga bata, ayaw pang magsiuwi. Nauuna kasi silang matapos sa amin. Nakikipaglaro pa sila sa amin sa set bago sila umuwi.
"Ganyan kami kasaya at nagmamahalan sa set ng Munting Heredera.
"Kaya you can just imagine ang lungkot noong sabihin nila na magpapaalam na kami.
"Sabi ko nga, walang iiyak sa last taping day namin.
"Gusto ko ay masaya lahat dahil hindi lang parati mataas ang ratings ng show kundi marami kaming naibahagi na magandang aral sa show.
"'Tulad nga nitong ginawa namin for The Child Haus.
"Paraan namin ito to share the blessings na natanggap namin mula sa show at sa suporta na 'binigay ng marami.
"Nagsama-sama kami para makatulong at pasayahin ang maraming batang ito, na pinalakas ang loob namin dahil sa nakita naming katapangan nila.
"Kaya babalik kami rito para pasayahin sila."
COUNCILOR DICK! Wala pa daw sisimulan na bagong show si Kuya Dick kaya ang pagiging konsehal ng second District of Quezon City muna ang pagkakaabalahan niya.
"Marami tayong 'hinahanda na mga proyekto para sa mga kabataan for this year.
"Ito namang trabaho natin sa gobyerno ay isa lang sa mga ninais nating gawin noon pa.
"Kaya noong mabigyan tayo ng pagkakataon, heto at pinagbubutihan natin.
"Ayoko namang masabi nila na wala tayong ginagawa.
"Kahit naman noong busy tayo sa Munting Heredera, hindi ko napapabayaan ang trabaho ko sa ating distrito," pagtatapos niya.
Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245086/showbiz/roderick-paulate-on-his-work-as-councilor?ref=subsection_banner
0 comments:
Post a Comment