Tuesday, December 13, 2011

Jake Vargas, hindi iiwan ang showbiz

Nilinaw ng Kapuso Tween star na si Jake Vargas na maigsing bakasyon lamang ang nais niyang gawin at hindi tuluyang pag-alis sa showbiz.

Kabilang si Jake at ang kapwa Tween star na si Joyce Ching sa mga kabataang binigyan ng pagkilala sa Gintong Kabataan Awards na isinagawa sa lalawigan ng Bulacan noong nakaraang linggo.

Ang parangal ay iginawad ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa mga kabataan mula sa iba’t ibang hanay ng lipunan na nagbibigay inspirasyon sa iba pang kabataan, ayon kay showbiz reporter Cata Tibayan.

Ang executive producer ng GMA News 24 Oras na si Kathrina Ann Dela Cruz ay ginawaran din ng Gintong Kabataan Manggagawa Award.

Lubos ang pasasalamat ng tatlo sa pagkilalang ibinigay sa kanila ng pamunuan ng lalawigan ng Bulacan.

Ang ina ni Jake na pumanaw kamakailan dahil sa sakit na cancer ay tubong Bulacan.

Inihayag ng batang aktor na nais niyang bisitahin ang puntod ng ina sa Pasko.

Kasabay nito, sinabi ni Jake sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes, na nais niyang magpahinga sa susunod na taon.

Pero paglilinaw niya, ilang araw lamang ang hihingin niyang pahinga at hindi naman permanente.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241571/showbiz/chikaminute/jake-vargas-di-iiwan-ang-showbiz

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates