Si Luis ang tila lumalabas na tutulong at magmamahal sa karakter na ginagampanan ni Bianca King.
Unang ipinakita sa trailer si Luis na tumulong kay Bianca nang tumalon ang huli sa ilog para magpakamatay.
Pero sa kabila no'n, tila may pagka-dark din ang karakter ni Luis sa serye.
Kaya ang una naming tanong kay Luis nang makausap namin ito sa press conference ng Broken Vow noong Lunes, January 30, ay kung mabait o kontrabida ba siya sa bagong serye? Siya ba ang savior ni Bianca o siya ang nagsamantala rito?
"Alam niyo, yun ang kinagandahan ng show na ito. Hindi kami stereotyped na bida o kontrabida; lahat kami may role na ginagampanan.
"Kailangan makita ng viewers yung connection ng mga characters," ang sabi ni Luis.
Base sa trailer, may impression na tila si Luis ang talagang nang-rape kay Bianca...
"Siguro abangan na lang nila.
"Naririnig ko palaging sinasabi yun kapag may nag-i-interview na abangan na lang nila," natatawang sabi pa niya.
Dahil sa nangyaring rape sa karakter ni Bianca, hindi na matutuloy ang nakatakda nilang kasal ng leading man sa soap na si Gabby.
Tanong muli kay Luis kung siya ang rapist...
"Sinabi ko nga, Si Dennis [Trillo] siguro," pagbibiro pa niya, dahil si Dennis ang nali-link na diumano'y boyfriend ni Bianca sa tunay na buhay.
Bukod sa bago niyang teleserye na Broken Vow, tinatapos din ni Luis ang shooting niya sa Migrante, isang indie film, sa direksyon ni Joel Lamangan.
TRIP TO ISRAEL. May pagmamalaki sa kuwento ni Luis kung paano, sa pamamagitan nga raw ng Migrante ay nakarating siya sa Israel o mas kilala sa tawag na Holy Land.
Ayon nga kay Luis, "Yung makalakad ka sa nilakaran ni Hesus.
"Actually, hindi naman ako naiyak or umiyak nang umiyak. Pero, naluha talaga ako nang mahawakan ko yung place kunsaan, ipinako sa cross."
Ilan daw sa mga lugar sa Israel na nakapag-shooting sila ay sa Bethlehem, Mount of Olives, Tel Aviv, Dead Sea, at Sea of Galilee.
"Alam niyo, tamang-tama ang punta namin do'n. Hindi ko alam kung dahil sobrang lamig lang ng time na yun, pero, sinasabi nila na ang pila [sa isang luga ro'n], mga two hours bago makarating.
"Pero noong nandoon kami, walang pila. Kaya tuwang-tuwa si Direk Joel.
"E, siyempre, nagpi-film kami ng movie, nagmamadali ang lahat. Wala kaming time na pumila, kahit 30 minutes man lang."
Four days lang daw sila sa Israel. Mahaba raw kasi ang biyahe mula sa Pilipinas papuntang Israel.
"Parang 19 hours kang nagbibiyahe. Ang mahirap pa no'n, four degrees [Celsius] yata ang temperature, windy pa.
"Ang hirap magsalita. Alam namin na malamig, may dala kaming mga jackets. Pero, iba ang malamig at iba yung humahangin."
CONTRACT. Sa isang banda, nag-expire na raw ang pinirmahang kontrata ni Luis sa Kapuso network noong September 2011 pa.
Hindi na raw bahagi ng kontrata ni Luis ang Broken Vow.
Pero maging ang huling teleserye pala niya, ang Iglot, ay hindi na rin daw kasama sa kontrata.
Ayon nga kay Luis, "I love it here [GMA]. They've been very good to me.
"Ever since they gave me a chance, 2007 pa yata, sa Impostora.
"Siyempre, noong time na yun, I came from ABS-CBN.
"Siyempre, rito, noong dumating ako galing ng ABS, ayoko namang mag-feeling na sikat ako.
"Pero, as much as possible, umiiwas na ako sa mga intriga-intriga para ma-enjoy ko ang buhay showbiz, yung work mismo."
Tinanong naman namin si Luis kung bakit nga ba sa halos kalahating taon na rin, wala pa siyang kontrata. Wala bang offer sa kanya na mag-renew?
"Sana meron na. Sana nga, sana... kasi, birthday gift na rin sa akin.
"February 7 ang birthday ko. Then, February 6 naman ang airing ng Broken Vow."
Si Noel Ferrer ang tumatayong manager ni Luis. Sa mga kapatid niya kay Noel, mas maraming naka-kontrata sa TV5.
Kaya tinanong namin si Luis kung wala bang offer sa kanya na lumipat ng network?
Sabi naman ni Luis, "Guest lang. Gusto niya sana akong mag-guest do'n [sa TV5]. Pero... parang respeto na sa GMA kasi, I came from Iglot na primetime, Beauty Queen na primetime."
Paano kung isang "big fat talent fee" ang ialok sa kanya ng ibang network, iiral pa rin kaya sa kanya ang loyalty?
Nakangiting saad naman niya, "Si Noel siguro ang dapat sumagot niyan kasi, ako, talent lang naman."
Sabay birong-tanong niya, "Magkano ba ang big, fat talent fee?"
Pero dagdag din niya, "Well, dati nga, medyo nagka-clash kami ni Arnold [Vegafria, ang dati niyang manager].
"Honest naman ako palagi kapag tinatanong ako. Medyo nagka-clash kami before.
"May mga movie offers na sabihin na nating kahit malaki, 'pag tingin ko, hindi okay sa akin, tinatanggihan ko," ani Luis.
"Parang sinabihan ako rati na namimili ako. Which is true naman.
"As an actor, yun ang responsibility ko to myself and to the viewers na hindi naman lahat puwede kong tanggapin at parang maging money player lang ako.
"Kasi, mawawala ang love ko for acting.
"Minsan naman, makukuha mo rin sa raket ang mga pera-pera. Pero yung love for acting, iba, e."
Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246837/showbiz/luis-alandy-s-birthday-wish-a-contract-with-the-kapuso-network
0 comments:
Post a Comment