Wednesday, May 2, 2012

Richard Gutierrez sa kanyang love life: 'I am dating'

“Yes I am dating.” Ito ang pahayag ni Richard Gutierrez nang kinamusta ang kanyang love life sa Chika Minute ng 24 Oras sa ulat ni Lhar Santiago nitong Lunes.

Dagdag pa ng aktor, “Of course and kailangan natin iyan. Siyempre. Pero, right now talaga, I just wanna stay private and at the same time I’m really busy with my work.”

Ayon pa rin sa ulat ni Santiago, noong nakaraang Abril 27, 2012, Biyernes, pinalakpakan si Richard sa naging matagumpay na perfume launch na Bench Deo Cologne line na ginanap sa Atrium ng SM Mall of Asia (MOA).

Dumalo rin ang pamilya ni Richard sa event kabilang na ang kanyang inang si Annabelle Rama, amang si Eddie Gutierrez, ang kapatid niyang si Ruffa, kasama ang mga anak nito na sina Lorin at Venice.

Dumalo rin ang kanyang kambal na si Raymond at ang kanyang kapatid sa si Elvis.

Ayon pa sa aktor: “Siyempre, I’m thankful and sobrang natuwa ako na nandiyan sila, na sumoporta sila sa akin. Hindi talaga sila nagkulang sa akin sa lahat ng events na ginawa para sa akin.”

Busy naman ngayon ang aktor dahil sa dalawang bagong palabas niya sa GMA.

Nagsimula nang mag-taping ang aktor para sa telseryeng Makapiling Kang Muli na pagbibidahan niya kasama sina Carla Abellana at Sarah Lahbati.

Ginagawa rin niya ang Pinoy Adventures para sa GMA News and Public affairs.

Masaya namang ikinuwento ni Richard ang tungkol sa Pinoy Adventures at ito ang naging pahayag niya:

“It’s the first of its kind. It’s really an exciting show kasi pupuntahan naming ang iba’t-ibang lugar sa Pilipinas na hindi pa napupuntahan ng maraming tao.

“Lahat ng adventures ginawa ko na rito. Nag cliff jump ako, mountain bike, rappelling, at simula palang iyon. Marami pa kaming gagawin.”

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/256733/showbiz/chikaminute/richard-gutierrez-sa-kanyang-love-life-i-am-dating

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates