Showing posts with label Richard Gutierrez. Show all posts
Showing posts with label Richard Gutierrez. Show all posts

Wednesday, May 2, 2012

Richard Gutierrez sa kanyang love life: 'I am dating'

“Yes I am dating.” Ito ang pahayag ni Richard Gutierrez nang kinamusta ang kanyang love life sa Chika Minute ng 24 Oras sa ulat ni Lhar Santiago nitong Lunes.

Dagdag pa ng aktor, “Of course and kailangan natin iyan. Siyempre. Pero, right now talaga, I just wanna stay private and at the same time I’m really busy with my work.”

Ayon pa rin sa ulat ni Santiago, noong nakaraang Abril 27, 2012, Biyernes, pinalakpakan si Richard sa naging matagumpay na perfume launch na Bench Deo Cologne line na ginanap sa Atrium ng SM Mall of Asia (MOA).

Dumalo rin ang pamilya ni Richard sa event kabilang na ang kanyang inang si Annabelle Rama, amang si Eddie Gutierrez, ang kapatid niyang si Ruffa, kasama ang mga anak nito na sina Lorin at Venice.

Dumalo rin ang kanyang kambal na si Raymond at ang kanyang kapatid sa si Elvis.

Ayon pa sa aktor: “Siyempre, I’m thankful and sobrang natuwa ako na nandiyan sila, na sumoporta sila sa akin. Hindi talaga sila nagkulang sa akin sa lahat ng events na ginawa para sa akin.”

Busy naman ngayon ang aktor dahil sa dalawang bagong palabas niya sa GMA.

Nagsimula nang mag-taping ang aktor para sa telseryeng Makapiling Kang Muli na pagbibidahan niya kasama sina Carla Abellana at Sarah Lahbati.

Ginagawa rin niya ang Pinoy Adventures para sa GMA News and Public affairs.

Masaya namang ikinuwento ni Richard ang tungkol sa Pinoy Adventures at ito ang naging pahayag niya:

“It’s the first of its kind. It’s really an exciting show kasi pupuntahan naming ang iba’t-ibang lugar sa Pilipinas na hindi pa napupuntahan ng maraming tao.

“Lahat ng adventures ginawa ko na rito. Nag cliff jump ako, mountain bike, rappelling, at simula palang iyon. Marami pa kaming gagawin.”

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/256733/showbiz/chikaminute/richard-gutierrez-sa-kanyang-love-life-i-am-dating
Posted on 8:34 PM / 0 comments / Read More

Thursday, February 9, 2012

Richard Gutierrez anticipates more drama, twist in final week of Survivor Philippines

Sa pagtatapos ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ngayong linggo, excited daw ang host na si Richard Gutierrez kung sino ang tatanghaling Celebrity Sole Survivor.

Sa February 10, Biyernes, nakatakdang malaman kung sino kina Mara Lopez Yokohama, Stef Prescott, at Betong Sumaya ang mananalo.

"Excited talaga ako!" sambit ni Richard nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, February 5.

Paliwanag niya, "Alam mo itong mga castaways natin, talagang naghirap sila sa isla.

"Nakita ko talaga 'yong pinagdaanan nila. 'Yong mga emotions nila. 'Yong diskarte nila.

"So, ako, nae-excite talaga ako kung sino talaga ang magiging Celebrity Sole Survivor.

"Hanggang sa huling araw, marami pang mga drama at twist na mangyayari na siguradong ikakagulat ng lahat."

Meron ba siyang personal bet na gusto niyang manalo?

"Alam mo, bawat castaway, makaka-relate ang mga audience natin, e.

"Ako, masasabi ko na nakaka-relate din ako sa iba sa kanila.

"Kumbaga, may mga gagawin 'yong ibang castaways na maaaring gawin ko rin. Gano'n.

"Alam mo, bumilib ako kina Maey [Bautista] and Betong. Dahil parang in the beginning of the Top 10, parang they were feeling hopeless.

"Na parang hindi na nila kaya. Hindi na nila kayang lumaban.

"Pero yun nga, makikita mo sa larong Survivor, patatagan talaga, e.

"Kahit hindi sila nanalo sa challenges, talagang lumaban pa rin sila.

"Na-surprsise din ako kay Steff dahil nakagat na siya ng cobra, bumalik pa siya sa laro, di ba?

"And of course si Mara, the youngest castaway.

"Alam mo, it's full of surprises."

WHAT'S NEXT FOR RICHARD? Ano naman ang aabangan sa kanya pagkatapos ng Survivor?

"Uhm, may panibagong project ako sa GMA, of course. Pinaghahandaan na namin ito ngayon.

"Back to acting naman ako. Kasi medyo matagal akong nawala sa acting. Puro hosting recently ang mga ginawa ko.

"So, back to basics naman. Back to soap operas. And I'm very excited."

Totoo bang isa sa pinagpipiliang maging leading lady niya sa kanyang susunod na soap ay si Carla Abellana?

"Oo nga. And I haven't worked with her.

"So it would be good to work with her and see kung may chemistry kami o wala.

"But more than anything, isa siya sa mga leading ladies ng GMA na hindi ko pa nakakatrabaho, so I'm very excited to work with her," saad ni Richard.

Gusto rin ni Richard na makaganap ng isang bago at mas challenging na role kumpara sa mga nagampanan na niya dati.

"Well, kasi nga, coming from last year, I did Captain Barbell na nagawa ko na before.

"And then, puro hosting jobs na 'yong sumunod.

"I asked the writers of GMA, the creative team to challenge me this year and come up with something na hindi ko pa nagagawa, which is the traditional soap opera.

"So it would be a good challenge for me. And 'yon ang gusto ko, e. Iyon ang hinahanap ko."

LOVELESS THIS VALENTINE? Walang balita sa current status ng lovelife ni Richard. But how is he going to celebrate Valentine's day?

"Uhm... hindi ko pa alam, e," bahagyang natawang sabi ni Richard.

"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa alam.

"Pero may mga pinaplano na kaming magkakapatid na mag-a-out of town kami."

Wala siyang special someone na ka-date sa mismong Araw ng mga Puso?

"Marami. Marami akong special someone," pagtukoy niya sa mga taong malalapit sa kanya.

Pero kung kasintahan o karelasyon ay wala raw siya nito ngayon.

"Relaxed lang muna. Ngayon naka-focus ako sa work, siyempre.

"At 'yon ang main priority ko—work right now, of course.

"And may movie na rin na dini-develop for me."

Nagiging choosy ba siya sa mga role kaya matagal din siyang hindi nakagawa ng pelikula?

"Hindi naman," sagot niya.

"Mas naging aware lang ako. Mas naging careful sa pagpili ng tamang project for me siyempre.

"Kailangan ko ring alagaan 'yong sarili ko. And I wanna pick and choose the right movies for me.

"And I think I have developed into an actor na alam ko na rin 'yong gusto ko."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/247171/showbiz/richard-gutierrez-anticipates-more-drama-twist-in-final-week-of-survivor-philippines?ref=subsection_banner
Posted on 7:47 AM / 0 comments / Read More

Tuesday, January 31, 2012

Richard Gutierrez wants to 'reinvent' himself and 'do more acting roles'

From being a forerunner in GMA-7's fantaseryes to hosting documentary and reality shows, Richard Gutierrez wants to do some serious acting this year.

He tells the media last January 25, "I want to go back to basics this 2012, and go back to acting and do ah...mga projects na I can showcase my acting capabilities...

"I want to challenge myself again and reinvent myself again, do more acting roles, and ah...more challenging characters."

When asked what specific role does he want to portray, he answered, "Andami, e..."

The Kapuso leading man continued, "Endless yung list ko pero ahm, it's a matter siguro of the right project at the right time so... "

POSSIBLE LEADING LADIES. One thing he's sure he wants to do: the movie with Sarah Geronimo.

"Matagal nang...matagal ko ng gustong gawin ang pelikulang 'yan. Ah, siguro you know there's a time for a meeting and the right timing also...

"Matagal nang sinasabi ni boss Vic [del Rosario] sa 'kin na it will be great na makagawa kami ng movie ni Sarah.

"And, of course, ako din, gusto ko makatrabaho si Sarah.

"You know, she's a good actress, she's a great entertainer so, ah...I want to do a movie with her, hopefully happening soon.

"Pero ako naman...for me, I don't wanna rush things. Ah, ayokong ipilit...time will come, the right time will come for everything, so hopefully soon..."

Now that he's being co-managed by Vic del Rosario of VIVA, "yung mga dati na mahirap gawin, ngayon ay possible nang mangyari."

Say he wants another project with KC Concepcion or he wants to be paired again with Anne Curtis, "puwede nang mapag-usapan."

The hiccup may probably be caused by the network contracts.

Richard said, "Mahirap kasi ngayon dahil yun nga, ah...may GMA and, of course, we know that Anne has been with ABS-CBN and KC is with ABS-CBN.

"So it's not an easy task also for us to work together, pero yun pa rin, posible siya."

He added, "I'm sure lahat ng mga fans gusto 'yan. I'm sure lahat ng mga manonood ng pelikulang Pilipino, gustong mangyari rin 'yan.

"At ako talaga, ah...you know, I'm very excited na sana matuloy yung mga projects with KC, with Anne..."

What happened to his supposed project with Judy Anne Santos?

His answer: "I'm not sure pero hopefully matuloy din yung with Juday...

"She gave birth and, you know, she did a movie, yung sa Metro Manila Film Festival...

"Hopefully, matuloy din yung project with Juday."

Aside from Sarah and KC, there's another actress he wants to work with again: Angel Locsin.

If a trade-in or tie-up is going to happen in the future, "You know a lot of fans want me and Angel to do another series or another movie. Yun yung mga parang dream na project ng mga fans sa atin," he stated.

We've been talking about his reel partners, how about the lady who's part of his real life?

Smiling, he said, "Ang puso ko ngayon, medyo pahinga muna.

"Kailangan namang i-develop yung puso ko for Triathlon, so sports muna, ah, sports muna...

"I'm married to Triathlon right now so I'm focused on that for 2012. I'll be joining the IronMan so kelangan ko talaga ng intense focus."

Lastly, how come he has become so secretive about his love life?

"I like things private...pero as of 2012 nga, parang for me, no more distractions. Just focus first."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246338/showbiz/richard-gutierrez-wants-to-reinvent-himself-and-do-more-acting-roles
Posted on 5:03 AM / 0 comments / Read More
 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates