Showing posts with label Julie Anne San Jose. Show all posts
Showing posts with label Julie Anne San Jose. Show all posts

Wednesday, May 2, 2012

Julie Anne San Jose, ano kaya ang regalo sa 18th birthday ng ka-love team na si Elmo Magalona?

Nahihirapan daw mag-isip ang Kapuso Tween star na si Julie Anne San Jose sa kung ano ang ireregalo sa 18th birthday ng kanyang ka-love team na si Elmo Magalona.

Sa gitna ng kulitan ng dalawa, pabirong sinabi ni Elmo sa ulat ni Audrey Carampel sa Balitanghali nitong Miyerkules, na kotse ang gusto niyang matanggap na regalo dahil nasa tamang edad na siya.

Dahil dito, pabiro din ang naging sagot ni Julie Anne sa aktor na dapat regaluhan din siya ni Elmo ng bahay sa kanyang kaarawan.

Labis ang pasasalamat ng binatang anak ng namayapang si Francis Magalona dahil sa sunod-sunod na biyaya na kanyang natatanggap.

At ngayon na nasa legal age na siya, sinabi ni Elmo na mas focus na siya sa kanyang trabaho at halos wala na raw siyang mahihiling pa.

Bagamat busy sa kanyang taping para sa pelikulang Just One Summer kasama si Julie Anne, isang simpleng family dinner ang ginanap para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/256927/showbiz/chikaminute/julie-anne-san-jose-ano-kaya-ang-regalo-sa-18th-birthday-ng-ka-love-team-na-si-elmo-magalona
Posted on 8:37 PM / 1 comments / Read More

Wednesday, February 22, 2012

Julie Anne San Jose still 'getting to know' Elmo Magalona

Pumirma ng kontrata si Julie Anne San Jose sa GMA Records nitong Lunes, February 20, sa GMA Network Center Studio 6 para sa kanyang gagawing record album.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas mainstay, sinabi niyang excited na siya para sa kanyang first solo album na nakatakdang ilabas sa kalagitnaan ng taong ito.

"Nakapili na po kami ng mga songs.

"Yung dalawa po dun, compositions ko po. Tapos yung other tracks ko po is puro original and then three covers," sabi pa nito.

Ngayong malapit na siyang maging isang ganap na recording artist, paano naman ang kanyang acting career?

"Gusto ko rin naman pong mag-acting,

"Pero nabuhay po kasi ako sa music, e... bata pa lang po ako, talagang kumakanta na po ako.

"Okay naman po, okay din naman po sa 'king mag-acting," sabi niya.

Napabilang si Julie Anne sa defunct early primetime series na Daldalita, kung saan naka-loveteam niya si Elmo Magalona.

Naging magaan lamang ang role niya dito dahil pambata ang programa. Paano kung isabak siya sa isang soap opera?

"If given the chance na magkakaroon, I would love to," sagot ng dalagita.

Sina Julie Anne at Elmo rin ang magkatambal sa pelikulang Just One Summer, na nakatakdang ipalabas sa second quarter ng 2012.

JULIELMO. Dahil nga sa pag-arangkada ng kanyang solo singing career, hindi maiwasang maitanong kay Julie Anne kung "nagkanya-kanya" na nga ba sila ni Elmo.

Isa kasi sa itinuturing na promising loveteams ang "Julielmo," bansag ng fans sa tambalan nina Julie Anne at Elmo, na nagsimula nang mag-duet sila sa isang production number para sa Party Pilipinas.

Sabi ni Julie Anne, "Ay, hindi naman po. Actually, kasi si Elmo, may single din po siya.

"Ako naman po, may album din po ako.

"Magkakaroon din naman po kami ng movie, so hindi naman po siguro kami kanya-kanya."

NOT CLOSE. Sa kabila ng kanilang team-up ni Elmo, "professional" lamang daw ang kanilang relasyon, ayon kay Julie Anne.

"Hindi po kasi kami, like lumalabas na, 'Uy, ganyan, let's hang out.'

"Parang wala pong time. Kasi busy rin po ako, busy rin po siya," paliwanag niya.

Wala bang malalim na patutunguhan ang tambalan nila?

"Wala pa naman po. For now, work lang po muna."

Sa edad niyang 17 ay hindi pa raw handang makipagrelasyon si Julie Anne.

Ayon pa sa kanya, nasa "getting-to-know" stage pa rin sila ni Elmo hanggang ngayon.

"Hindi naman po sa... like, hindi kami nag-uusap, hindi naman din po sa hindi kami close. Pero kasi po, 'pag nagkikita kami, as in work lang po talaga," paliwanag niya.

Mas gugustuhin ba niyang mag-solo o magkaroon ng loveteam?

"Uhm, though maganda rin po na may kapareha kasi, it's like a... bonus na rin po yun.

"Pero siyempre, may solo careers din po kaming dalawa.

"Solo po siguro," sagot niya.

"OUT OF TUNE" SINGERS. Natanong din si Julie Anne kung kaninong yapak ang gusto niyang sundan bilang singer.

"Lea Salonga po," mabilis niyang sagot.

"Kasi po idol ko na po talaga siya since bata pa lang po ako.

"Kasi po si Ms. Lea, sobrang professional niya po mag-work and sobrang linis po ng boses niya.

"Tsaka gusto ko rin po ma-try mag-Broadway someday."

Kaugnay nito, natanong si Julie Anne kung ano ang reaksiyon niya sa isyung ang mga mabebentang concerts daw ngayon ay ang mga "sintunadong kumanta."

Sagot niya rito, "Hindi naman po ako against dun kasi kung love n'yo po talaga yung ginagawa niyo, so be it.

"Kung gusto n'yo na ganun yung mangyari, it's up to the people na rin po kung ano yung magiging interpretation nila, 'tsaka yung mga magiging reactions nila about that.

"Ako naman po, I have no right na i-judge po sila agad.

"Bale siyempre po kasi, lahat naman po tayo medyo may kakayahang kumanta, kahit sintunado or what...

"Kung ano po yung reaksiyon nung mga tao, whether good or bad, wala na po tayong magagawa dun."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/248970/showbiz/julie-anne-san-jose-still-getting-to-know-elmo-magalona
Posted on 7:15 PM / 0 comments / Read More
 
Copyright © 2011. Pinoy Celebrity Talk . All Rights Reserved
Pinoy Celebrity Talk | Design by Herdiansyah . Published by Borneo Templates