Matatandaang bago naging gobernador ng Batangas si Vilma ay naka-tatlong termino siya bilang alkalde ng Lipa.
Balita kasing hindi tinatantanan ang actor-TV host ng mga humihimok na patakbuhin ito bilang aklalde ng nasabing siyudad sa lalawigan ng Batangas.
Ayon naman kay Governor Vi, "Okey lang 'yon.
"Magpi-fifteen years na ako as a public servant.
"Malaking parte nito, kinalakihan na rin ni Lucky [palayaw ni Luis].
"So, kumbaga, hindi na rin ito bago sa kanya.
"Pero kailangang handa siya bago pumasok.
"Kasi ako mismo ang magsasabi sa kanya na ang pagiging isang public servant, hindi biro ito.
"Sakripisyo ito talaga kapag gusto mong magsilbi nang may sinseridad. Sakripisyo ito.
"Si Lucky, maybe later on.
"Pero kung iisipin na natin na sa election next year? I doubt it.
"Hindi pa ready ang anak ko.
"Sa experience ko, hindi puwedeng basta-basta.
"Kung wala kang alam, paano ka gigreydan ng mga nasasakupan mo?
"Ang importante pa rin, 'yong report card ng performance mo as a public servant."
RODERICK PAULATE. Sa panayam sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinuha rin ang reaksiyon ni Governor Vi sa kinasusuungang kontrobersiya ng kanyang matalik na kaibigan na si Roderick Paulate.
Si Roderick ay nanunungkulan bilang konsehal ng Quezon city.
May intriga kasi na hindi raw kinakaya ng aktor ang responsibilidad bilang isang public servant.
Ayon sa governor ng Batangas, "Kapag may mga ganyang problema si Roderick, sabi ko sa kanya, get a political lawyer.
"Kasi sa mga bagong halal, sana may excuse pa naman 'yan.
"Kasi hindi pa naman gano'n kalawak ang kaalaman niyan, e.
"Kailangang ma-guide siya ng isang political lawyer who can tell him what's wrong or not.
"Kahit sabihin mong nagbabasa ka ng local government code, hindi lahat maa-absorb mo in a year time, or in one term.
"May mga pagkakamali kang magagawa.
"So, sana bigyan naman nila ng leeway na gano'n ang kabigan ko.
"Because I know Dick. Matinong tao 'yan.
"Hindi 'yan ang tao para sabihin mong mang-iisa—of course not.
"Give him a leeway.
"At the end of the day, matututunan din niya 'yan.
"And I know he's a very hardworking person."
WHAT'S NEXT? Pagkatapos ng termino niya bilang Batangas governor, ang pagiging senador o vice president ng bansa ba ang sunod na tatakbuhin niya?
"Hindi," tanggi ni Governor Vi.
"Wala. I swear.
"Wala talaga akong plano. Maniwala kayo.
"Kung saan ako dadalhin, okey.
"Kung hindi na rin, okey din.
"I don't plan things... when it comes to politics lang naman.
"Pero inilagay Niya ako rito, so may purpose Siya.
"Kaya ang dasal ko lang lagi, 'I-guide Mo lang ako.'
"Kasi, hindi madali ang politics.
"Hindi madali. Naku, maniwala kayo!
"Although ang pinaka... lagi kong guide, para mapaganda ko 'yong trabaho ko, ang guide ko lang dito—hindi lahat, pinagkakatiwalaan ng ganyan.
"Yon na lang ang bayad ko, e.
"Lalo na ang Batangas, barako country.
"First woman mayor, first woman governor.
"Para pagkatiwalaan ka ng ganyan, legacy mo na 'yan, e.
"Iyon na lang ang pinanghahawakan ko, e, di ba?"
Kapag naramdaman niyang may calling para tumakbo siyang senador, tatanggapin niya?
"Hindi ko alam kung kakayanin ko 'yong trabaho.
"Sana. Kasi, iba na 'yan.
"'Pag inilgay ako, okey. Pero hindi natin masabi, e.
"Pero ang point ko kasi, kung bakit hindi ako nagsasalita nang patapos, iba kasi 'yong nagpaplano. Alam mo 'yong ibig kong sabihin?
"Iba 'yon, e. Na pagkatapos nito, 'eto. Hindi, e.
"Ako, wala.
"You still want me? Vote for me. I'll serve.
"Ayaw n'yo na, okey. You might be doing me a favor, di ba?
"Para sa ano naman... Kasi I miss my showbiz life, too.
"But since nandidito ako, I'm just doing my best.
"Pero hindi madali. Hindi talaga."
Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245837/showbiz/gov-vilma-santos-insists-she-does-not-plan-her-political-career?ref=subsection_banner
0 comments:
Post a Comment