Masaya si Dingdong dahil sobrang fulfilled daw siya sa kanyang personal at professional life noong 2011, ayon sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan.
Bago matapos ang 2011, nakamit pa ni Dingdong ang Best Actor award sa ginanap na Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa pagsisimula ng 2012, katuwang ang ilang sponsor ay kaagad na nagbalik ng biyaya si Dingdong sa pamamagitan ng pagkakaloob ng school supplies sa mga mag-aaral sa Cagayan de Oro na sinalanta ng bagyong "Sendong."
Mahigit 5,000 school supplies ang ibinigay ng aktor sa Department of Education para ipamahagi sa mga mag-aaral. Bukod dito, balak din niyang bisitahin mismo ang mga mag-aaral sa CDO ngayong taon kasama ang nobyang si Marian Rivera.
“Halos lahat natutunan sa loob ng classroom so ito yung bagay na kayamanan ng isang tao na hindi pwedeng tanggalin sa kanila, no matter what," pahayag ni Dingdong sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
Sa taong ito, plano rin ni Dingdong na makatapos ng kurso sa kolehiyo.
Isang uri ng management course ang nais umanong kunin ng aktor sa West Negros University.
“Pupunta ko dun once a month to comply with the minimum number of hours, required hours na kailangan ako sa classroom. And the rest pag-aaralan ko dito habang nagsu-shooting ako. Konti na lang yun kasi importante rin sa akin na makatapos," paliwanag niya.
Pagtiyak ni Dingdong, hindi niya iiwan ang kanyang trabaho kahit pa nag-aaral. Katunayan, excited na raw siya sa balik tambalan nila ni Marian sa primetime soap na My Beloved
.
At dahil matagal din silang hindi nagkasama sa harap ng camera, aminado si Dingdong na hindi maaalis na magkaroon sila ng adjustment ni Marian.
Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/243754/showbiz/chikaminute/dingdong-dantes-gustong-makatapos-ng-pag-aaral-ngayong-2012?ref=subsection_banner
0 comments:
Post a Comment